My Blog List

Lunes, Setyembre 7, 2015

LAURIAT ( Chowking ) - Hermalee C. Obia

     Isang mabuting maybahay at magulang si Luisa .Pagtitinda ng kape sa palengke ang kaniyang hanapbuhay , katuwang ang kanyang asawa na si Jojo. Iyon ang kanilang kabuhayan para maibigay ang mga pangangailangan ng kanilang limang anak . Si Luisa ay isang magulang na nangangarap din na magkaroon ng magandang buhay balang araw ang kanyang mga anak .Puyat , pagod , halos katiting na pahinga .Lahat ng hirap tinitiis , dahilan para mawalan ng oras sa kaniyang  mga anak .

  Nagdaaan ang maraming taon , ang butihing ina ay nagkasakit na halos hindi na maikilos ang buong katawan , dahilan para hindi na siya makapaghanapbuhay .Hanggang si Jojo na lang mag isa ang nagtitinda ngunit ito ay di rin nagtagal. Dahil sa ganoong pangyayari , ang kaniyang mga anak ay nagsipag rebelde . Nagsilayas  para makaiwas sa hirap ng buhay . Ang pamilya ni Luisa ay nagka watak -watak. Ina  na kahit may nararamdamang ng sakit , ay hindi nagsasabi dahil ayaw niyang mag alala ang kanyang mga anak.
 
    Dahil sa kahirapan , ang ina ay hindi naipagamot ang sarili , hanggang sa ito ay binawian ng buhay ,. Nakakalungkot isipin na ang  ina ay may isa palang simpleng hiling  . Ito ay makakain ng " Lauriat  " sa Chowking na kung iisipin ay isang napakaliit na bagay lamang . Isang bagay na kaya namang makamtan ay mas inuna na makakain ng masarap ang kaniyang buong pamilya .

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento