My Blog List

Huwebes, Setyembre 3, 2015

"Ibong nawalan ng pakpak" - Rembert Ebaya

Si Berting ay ulila na sa ama na tinataguyod ng kanyang ina, mahirap para sa ina na pagsabayin ang pag-aalaga at paghahanap buhay para sa kanilang dalawa.

Isang maagang sermon ang inabot ni Berting sa kanyang inay na si Susana dahil tanghali na hindi parin ito bumabangon.

Susana :Berting! gumising kana diyan tanghali na.

Berting :Teka lang inaantok pa ko.(tinatamad)

Susana :Bumangon kana diyan at pumasok ka sa iskwela.

Si Berting ay hindi marunong magkusa tila lahat ay inaasa sa kanyang ina.
Oras na upang mamalengke si Susana at nagpaalam na siya kay berting.

Susana :Nak pupunta muna ko sa pamilihan, mag-almusal ka nalang diyan.

Berting :Sige po inay..

Habang nag-aalmusal si Berting ay dumating si Aling Marta tila may nangyaring hindi kanais-nais.

Berting :Aling Marta bakit parang nakakita ka ng multo, huminahon ka muna(inabutan niya ng tubig)

Aling Marta :ha.
ha..ha(hingal na hingal)
Berting, Berting wag kang mabibigla sa sasabihin ko.

Berting :Ano ba kasi yan diretsohin niyo nga po ako(kinakabahan).

Aling Marta :Si Susana nasagasaan sa kanto.

Berting :(natataranta)huh!
Puntahan po naten.

Habang pinagkukumpulan ng mga tao si Susana, ay bigla namang dumating ang nagmamadaling si Berting.

Agad na nagpatawag ng sasakyan upang maitakbo ito sa ospital.Sa kasamaang palad ito ay hindi na umabot pang mau hininga.

Berting :Inay bakit mo ako iniwan,paano na ako ngayon?(habang tumutulo ang luha)

Aling Marta :Nak halikana ayusin natin ang mga papeles na kakailanganin para sa libing ng nanay mo.

Huling araw na ng lamay ay dumating ang kanyang lola na si lola Ira kasama ang kanyang tito Ian.Humahagol-gol habang papalapit sa kabaong ng kanyang anak.Nilapitan naman ni Berting ng kanyang tito at kinausap.

Ian :kamuzta kana?

Berting :Sobrang sakit po pala tito kapag nawala sayo ung pinakamamahal mong tao.

Ian :Ganyan talaga ang buhay sa pagkahulog ay dapat lalo pang husayan ang paglipad.

Berting :Simula po ngayon ipinapangako alang-alang sa nasira kong ina na pipilitin kong baguhin ang aking buhay at lalo ko pa itong huhusayan.

Sumapit na ang araw kung saan huli na niyang masisilayan ang muka ng kanyang ina.
Habang dinadala nila sa simenteryo ang labi ng kanyang ina ay bigla nalang pumasok sa isipan niya ang lahat nang pangaral sa kanya ng kanyang ina.

Berting :(imahinasyon na kinakausap ang ina)patawarin niyo po ako inay dahil hindi po ako naging mabuting anak.

Dahan dahang ipinapasok sa pansyon ang kabaong kasabay ng mga luhang dahan dahang pumapatak sa mata ni Berting.At natapos na nga ang libing ay nakatayo parin siya katapat ng puntod ng ina, tila hindi parin siya makapaniwala.
Gabi na ng maka uwi si Berting sa kanilang bahay, kinausap siya ng kanyang lola at tito.

Lola Ira :Apo ano na ang plano mo ngayon? Kong gusto mo sumama ka nalang sa amin ng tito mo sa probinsya.Eh doon ay maalagaan ka namin.

Berting : Lola hindi po, may kailangan po akong patunayan sa sarili ko. Pipilitin ko pong lumipad gamit ang sarili kong pakpak.

Ian :Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo?

Berting :Buo na po anug disisyon ko angkel.

Lola Ira gasp emoticon sige apo basta kapag may problema ka pasabihan mo kaagad kami.

Berting :Sige po lola...salamat po.

Dumaan pa ang mga araw ay mas lalong nararamdaman ni Berting ang hirap, saan saan na siya napapadpad sa paghahanap ng trabaho. "Wanted waiter" ang nakapastil sa isang kainan sa bayan. Agad siyang pumasok at kinausap ang manager sa kabuting palad palad naman ay natanggap siya. Pumapasok sa sa iskwela sa umaga at mula alas 3 hanggang alas 10 ay sa trabaho naman
Walang araw na hindi niya naiisip ang kanyang inay at lalo na kapag siya ay nahirapan, minsan pa ay nasasabi niya sa sarili niya na "ganito po pala inay ang nararamdaman niyo dati, habang kau ay nagtatrabaho para sa akin". Pagsisisi ang diranas ni Berting dahil siya ay naging tamad at umaasa lang siya.
Malaki ang pinagbago ni berting mula ng pumanaw ang kangyang ina siya ay natuto na sa buhay. Mas lalo niya pang hinusayan ang kanyang mga gawain para sa kanyang pangako sa kanyang ina.

1 komento:

  1. lagya mo ng karakter. walang kwento ee

    maglagay ng mga diyalogo para mas buhay basahin

    TumugonBurahin