My Blog List

Linggo, Setyembre 6, 2015

SILID ARALAN" Ni: Mate, Rosanna Lyn O.

Silid Aralan? Natural makikita sa Paaralan ika nga ng mga Pilosopo. Madalas Silid Tulugan kasi sabi nila Ang Paaralan ang Ikalawa naming tahanan bali ang Silid Aralan ang nagsisilbing Kwarto ika nga ng mga Puyat sa klase. Maraming kahulugan ang sumisimbolo sa "Silid Aralan" pero ano nga ba talaga ang tunay na kahalagan niya? Kasing halaga ba siya ng Pera, Pag-Ibig? Siguro nga mahalaga siya kasi hindi naman mag E Exist sa Mundo ang mga bagay kung Wala itong halaga. 
Unang Pasukan na naman may Iiyak pa kaya dito? May mga Magulang pa ba na dapat kasama? Uso pa ba ang malaking Bag sa Kolehiyo? Parang napaka Weirdo ng aking kaisipan ang mahalaga lang naman sa akin ay makapasok sa Silid Aralan ng tama sa oras ng hindi ako magahol . Pagtingin ko sa aking Relo, ANO? Alas Syete pasado kakasabi ko palang eh hindi ka magagahol. Sana sapian ni Flash ang mga Estudyante ng makarating na sa Silid Aralan kailangan nilang mag-aral dahil yun ang mahalaga.
Pagbukas ng Pinto ng mga Estudyante. Ito na ang Silid Aralan Sigaw ko sa Isip ko. Bakit ang iingay ng Estudyante hindi dahil nagkakaroon ng Talakayan kundi dahil nag aagawan sa Charger ng Cellphone at kung sino ang mauunang magsasaksak. Marami na nga talagang pinagbago sa Kolehiyo Nagmamatyag lang sa mga Iba't ibang kaugalian ng mga estudyante.
"Bakit kailangan ko pang mag praktis? May trabaho ako hindi bang pwedeng ikaw na lang ang gumawa?" Si Leah ang Pinaka madahilan sa klase. 
"Uy. Nabasa mo na ba yung sa FEU Files? Grabe noh" - Si Demi ang Chismosa ng Klase
"Grabe kinikilig ako sa AlDub" - Si Benjamin ang Hopeless Romantic ng Klase. "HOY. Maria Akin na yang Lipstick mo mas bagay sakin yan" - Si Lavina ang Bully sa klase. Sa totoo lang madami pa sila ganyan ang Ugali ng mga tao sa Loob ng Silid Aralan nakakabingi sila, nakakairita pero parte sila kaya ito'y Buo. Oh. Ayan na pala si Prof. Jayson hahanda ko lang ang sarili sa mga lagabag ng mga upuan sa sahig, mga tili ng mga Estudyante. Mga kabataan nga naman ngayon.
Ganyan sila araw-araw nakakarindi na pero katulad nga ni Prof. Jayson hindi dapat magpa apekto. "Yan na naman siya Tss. Wala namang natutunan sa kanya" Sabi ni Leroy. Magiging Prof ba yan kung wala kang matutunan sa kanya Hay. Wala ka lang talagang interest mag aral kaya ganon. Oh. Mag a Alasingko na pala. Mag uuwian na ang mga Estudyante. "Class Dismiss"
"Wooooh. Uwian na" "Tara Date tayo? " "Ano nga ulet yung Assignment? Pakopya na lang ako bukas ah"
Tuwing uwian na lang ganyan ang naririnig ko. Sanay na ako sa mga linya nila. Kaya ngayong wala sila ito na naman ako naiwan na Magulo, Madumi pero Tahimik na ulit. Sana kahit minsan sa buhay ng mga Estudyante maisip nila ang tunay na halaga ko. Dahil lahat sila pinahahalagahan ko, tinitupon sila ng maayos, Prinoprotektahan sa Ingay ng mga naglalakad sa hallway.
Sana maisip nila minsan na hindi ako isang pahingahan dahil ako kahit minsan hindi sila tinulugan kung tutuusin nga na absorb ko na lahat ng mga Lesson na tinutulugan lamang nila.
Ako nga pala si "SILID ARALAN" Ginawa para maging bahagi ng munti mong aral tungo sa iyong kinabukasan, sana wag mo akong kalimutan at sana bigyan mo ng pansin ang bawat sulok ko na nakikinig sa bawat hinaing mo, ang Blackboard na sinusulatan patungo sa direksyon ng iyong aral, Upuan na nagsisilbi mong pahingahan. Sana wag mo akong kalimutan ang bawat bahagi ko na naging dahilan kung nasaan ka ngayon. Ako'y isang munting Kwarto na Punong puno ng Memorya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento